Nakapaninindig balihibo ang serye ng
pagpaslang na nangyarinoong Setyembre 6, 2013 lamang sa Baliwag, Bulacan.
Ang pamamaril sa di umano’y nagngangalang
Ryan Hipolito 31 taong gulang, kasama ang asawang si Evangeline at ang apat na
taong gulang na anak na siyang himalang
nakaligtas. Ayon sa report, lumapit ang pamilya nito kay Justice secretary
Leila de Lima at sa National Bureau of Investigation (NBI) para humingi ng
hustisya. Binaril ang biktima ng riding in tandem habang lulan ng Toyota Vios
(ZAV 611). Ang PNP Baliwag ay nananatiling nakatanga dahil ni butil ng buhangin ay wala silang
makuhang ebidensiya para sa hustisya kay Hipolito.
Ang biktima ay sinasabing
sangkot sa isang pagpupulong na laban kay Mayor Carolina Dellosa bago mangyari
ang krimen. Ayon pa sa mga nakaaalam, ay Malabo ng
mabiyayaan pa ng hustisya ang nangyaring pagpaslang dahil hanggang
ngayon ay wala pa ring maituro ang PNP na suspek. Ang pamilya ng biktima ay
minabuting lumapit sa NBI para mapadali ang paglutas sa kaso.
Walang matibay na
ebidensiya na maiharap ang NBI laban kay Dellosa kaya’t malalimang
imbestigasyon na lamang ang isasagawa para dito. May pangamba ng mga
naulila, baka amagin lamang ang kaso at hindi nila makamit ng hustisya kung
iaasa sa kapulisan na sakop ng lokal na pamahalaan ang kaso.
Reference :
Ipinasa ni: Angela Hernandez
BALM - 1B


