Naaalalang noong Pebrero 17 ng gabi ay natagpuang patay sa
likod ng isang abandonadong bahay sa Meadows Subdivision, Brgy. Caypombo, Sta.
Maria, Bulacan noong Sabado ng umaga, Pebrero 18 si Nathania Ashley Garcia o
mas kilala sa tawag na “Angel” ng kanyang mga kamag-anak at kapit-bahay dahil
sa napakabait nitong bata. Kung kaya’t ikinagulat ng lahat ng iniulat na ito ay
nawawala at natagpuan ngang patay sa likod ng isang abandonadong bahay.
Huling nakitang buhay ang bata noong bandang alas-4 ng hapon
noong Biyernes habang nakikipaglaro sa isang kapitbahay. Ngunit gabi na nga ay hindi pa rin umuuwi ang
bata at ipinasya na ng mga kaanak na ipa-blotter na ang batang nawawala.
Nang makita si Angel sa abandonadong bahay ay nakitang
binusalan ang kanyang bibig ng tissue upang hindi ito makagawa ng ingay o
makasigaw man lang upang makahingi ng tulong. Sinasabing ginahasa rin ang bata
bago patayin. Dalawang kapitbahay ng
biktima ang dinakip at kinasuhan sa nasabing pagpatay.
Ngunit sapat ba itong kasuhan lamang upang pagbayaran ang
karumal dumal na krimen na kanilang ginawa sa nasabing biktima? Hahayaan na
lamang bang mabalewala at makalimutan na ang kasong ito ng anim na taong gulang
na batang si Angel? Hindi nga ba’t isang taon na ang nakakaraan ng mapatay ang
batang ito tanging ang mga kaanak at kapit-bahay na lang ba ni Angel ang
makakaalala sa batang ito? Hindi ba siya mabibigyan ng hustisyang nararapat
lamang niyang makamit?
Katurungan para sa batang si Angel Garcia, isang batang noon
ay nagdudulot ng kaaliwan sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan Resident’s stories.
Ipinasa ni : Sherissa Bernabe
BALM – 1B