Noong
Pebrero ng nakaraang taon naganap ang insidente sa loob mismo ng isang paaralan
sa Malolos,Bulacan na bumulabog sa mahigit 10,000 estudyante.Napatay sa saksak
ang isang 3rd year HS student na kinilalang si Jericho Fuellas.Ang
biktima at mga kaklase umano nito ay nasa loob ng silid-aralan at hinihintay
ang kanilang guro ng sumugod ang suspek at mga kasama nito.hindi naman matukoy
kung anong patalim ang pinansaksak sa biktima.Samantala, isinuko naman ng
kanyang pamilya ang 16-anyos na suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng City
Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Sa kasalukuyan, laganap ang mga
hidden gangs sa mga paaralan.Ayon nga sa mga balita ang suspek ay miyembro ng TBS
Gang at ang biktima ay sa Mafia Creeps.Hindi man napatunayan na gang war nga
ang dahilan ng karahasan ay lubha itong nakakaalarma.Dahil nga menor de edad pa
ang suspek ay hindi ito mabigyan ng mabigat na parusa.Sana ay magsilbing aral
ito sa mga kabataan, nakakalungkot na may nasisirang mga buhay at pangarap sa
isang iglap.Sana nga ay nabibigyan ng sapat at tamang hustisya ang mga biktima
ng mga menor de edad na suspek.
Reference : http://punto.com.ph/News/Article/13519/Volume-5-No-118/Headlines/Estudyante-patay-sa-gang-war-1-sugatan
Ipinasa ni: Kerie Anne Dayao
BALM - 1B