Linggo, Oktubre 20, 2013

Ramon Pagdanganan Ambush: Sino ang may Sala?



Ang biktimang si Ramon Pagdanganan, dating mayor ng Calumpit, ay binaril sa isang pyesta sa Calizon Village bandang alas otso ng gabi. Nabanggit ng mga testigo na ang armadong kalalakihan ay nakasakay sa motorsiklo. Agad-agad na dinala si Ramon Pagdanganan sa Bulacan Provincial Hospital ngunit sya’y dineklarang dead on arrival. Sinabi ng kapatid ni Ramon, na dating gobernador na gumamit daw ng isang 9-mm at pistol cal. 0.45 ang mga armado sa pag patay ng kanyang kapatid. Hindi agad napansin ang pagkakabaril kay Ramon Pagdanganan dahil sa kasayahan at may mga nagpapaputok noong gabing iyon.




Ito ang sketch ng taong pumatay kay Ramon Pagdangan.


Tama ang sinabi ni Roberto Pagdanganan na may kinalaman ang pulitiko sa pagkamatay ng kanyang kapatid marahil pinlano itong pagtugis sa kanya, at base sa mga nakalap kong impormasyon, pumunta lamang daw si Ramon Pagdanganan sa pyestang iyon para mag bigay ng donasyon ngunit ayun na nga ang kanyang kinahantungan, pagkamatay. Ang masakit, hindi parin nareresolba ang kasong ito at waring tinatakasan ng hustisya.


Ano na nga ba ang nangyayari sa ating kapulisan? Sinasabing inabot na muna ng oras bago rumesponde ang mga pulis. Umaga na nang araw na iyon ang huling pagkakataon na nasilayan ito ng kanyang asawa na si Sally Pagdanganan. “Dati na syang masaya kaya lang kakaiba yung sigla nya nung araw na iyon, kaya lang hindi naman ako nag-iisip..” sabi ni Sally Pagdanganan sa isang panayam sa palabas na “case unclosed” , ng umaga ring iyon nagpaalam si Sally na sasamahan niya ang kanyang katulong  “O sige, mauna kana at ako eh naman ay maliligo na, tutuloy nako dun sa pyesta pero hindi naman ako magtatagal dadalin ko lang yung dadalin nating pera sa pyesta..” ang sagot ni Ramon Pagdanganan. Tapat ng alas 8 ng gabing iyon ay ibinalita ng kanyang katulong na patay na nga ang kanyang asawa.


References:

Ipinasa ni: Jiathron O. Manalastas

BALM 1-B