Ang
mga Desaparecidos o mga taong sapilitan ng dinukot ay isang misteryong hanggang
ngayon ay wala pa ring sinuman ang nakasasagot. Nagsimula ang pagkawala ng mga
mamamahayag,aktibista, at mga sibilyang taliwas sa uri ng pamamalakad ng
gobyerno noong panahon ni Marcos. Sinasabing biktima ang mga Desaparecidos ng anti-insurgery plans ng gobyerno o ang
pagsupil sa mga militanteng grupo na kalaban ng estado. Sina Sherlyn Cadapan at
Karen Empeño ay ang mga halimbawa ng Desaparecidos.
Si Karen Empeño, isang
Senior Sociology student sa UP. Tubong Zambales. Kagaya ng kanyang ama at
kapatid, aktibo rin siya sa pagsali sa mga kilos-protesta sa kanilang
unibersidad na tinutukoy ang maling pamamalakad ng gobyerno.Kasama si Sherlyn, gumagawa si
Karen ng kanyang research paper tungkol sa mga problema ng magsasaka ng Bulacan
upang makumpleto ang kanyang thesis na namarkahang incomplete.
Madaling
araw ng Hunyo 26,2006 hindi na muling nasilayang ng kanilang pamilya sina
Sherlyn at Karen. Sapilitan raw na dinakip ang mga ito kasama ang magsasaka na
si Manuel Merino at 3 iba pa sa iniuupahang bahay nito sa San Miguel,Hagonoy
Bulacan. May nagsasabing sinakay raw ang
mga ito sa jeep na may plakang RTF 597.
Sinasabing dinukot sila ng mga militar
at hinihinalang tauhan ito ni Ret. Maj. Gen. JovitoPalaparan. Hindi na rin
nakita ang heneral ng maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya
noong 2011. Kakasuhan rin ng habeas corpus o pagkakakulong ng panghabang buhay
si Palparan.
Samantalang bago pa man maglabas ng
warrant of arrest ay naglabas na ng testimonya si Raymond Manalo, isa sa mga
dinakip na aktibista at nakatakas din. Sinabi niyang siya at ang kanyang
kapatid ay tinorture at pati na rin sila Sherlyn at Karen. Sinabi rin niyang
nakita niya kung ano ang ginawang kalupitan kay Sherlyn samantalang puro sigaw
at hinagpis ang naririnig niya kay Karen. Nakita rin niyang sinunog umano si Manuel
Merino ng mga military.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin
mahanap ang dalawa,kahit anino ng mga ito o bangkay ay wala pa ring
makapagsasabi kung nasaan ang mga ito.
IPINASA NI:
Mikaela Marie E. Escasinas
BALM-1B


