Lunes, Oktubre 21, 2013

Hustiya, Saklolo para kay Hipolito



Nakapaninindig balihibo ang serye ng pagpaslang na nangyarinoong Setyembre 6, 2013 lamang sa Baliwag, Bulacan.

Ang pamamaril sa di umano’y nagngangalang Ryan Hipolito 31 taong gulang, kasama ang asawang si Evangeline at ang apat na taong gulang na anak na siyang  himalang nakaligtas. Ayon sa report, lumapit ang pamilya nito kay Justice secretary Leila de Lima at sa National Bureau of Investi­gation (NBI) para humingi ng hustisya. Binaril ang biktima ng riding in tandem habang lulan ng Toyota Vios (ZAV 611). Ang PNP Baliwag ay nananatiling nakatanga  dahil ni butil ng buhangin ay wala silang makuhang ebidensiya para sa hustisya kay Hipolito. 

Ang biktima ay sinasabing sangkot sa isang pagpupulong na laban kay Mayor Carolina Dellosa bago mangyari ang krimen.  Ayon pa sa mga nakaaalam, ay Malabo ng mabiyayaan  pa ng hustisya  ang nangyaring pagpaslang dahil hanggang ngayon ay wala pa ring maituro ang PNP na suspek. Ang pamilya ng biktima ay minabuting lumapit sa NBI para mapadali ang paglutas sa kaso. 

Walang matibay na ebidensiya na maiharap ang NBI laban kay Dellosa kaya’t malalimang imbestigasyon na lamang ang isasagawa para dito. May pangamba ng mga naulila, baka amagin lamang ang kaso at hindi nila makamit ng hustisya kung iaasa sa kapulisan na sakop ng lokal na pamahalaan ang kaso.

Reference :


Ipinasa ni: Angela Hernandez
                     BALM - 1B

Pagkamatay ni Crisanto Tolentino



Malagim ang naging wakas ng buhay ng isang bading na kawani ng pamahalaang lungsod ng Malolos matapos  na ito'y bagsakan sa ulo ng bato at laslasin ang leeg ng textmate.

Natagpuan sa loob ng kanyang inuupahang bahay ang bangkay ni Crisanto Tolentino, isang kawani ni Bise Mayor Bebong Gatchalian ng Malolos.  Dalawang kalalakihang may edad na na 23 anyos ang dinakip, at umaming pinukpok sa ulo at nilaslas ang leeg ng biktima.

Ayon kay John Paulo Mercado, naging katext-mate niya si Tolentino ng minsang magkita sila sa kapitolyo ng Bulacan. Ikinuwento ni Mercado na inimbitahan siya ng biktima sa bahay nito upang mag-inuman doon, ngunit ng siya ay magpunta, gusto muna daw nito na magtalik sila bago mag-inuman. Dahil dito, nagdilim ang paningin ni Mercado at binagsakan ng bato sa ulo ang biktima.  Ngunit nanlaban pa ang biktima kaya't nilaslas niya ang leeg nito.

Si Mercado ay naaresto ng pulisya matapos maaresto ng pulisya si Roden Dela Cruz na nagtangkang ibenta ang motrosiklong Honda XRM ng biktima  na may plakang R-5231 sa Brgy. Balayong.

Walang bumili sa motorsiklo kaya iniwan ito ni Dela Cruz, ngunit ng balikan niya ito kinabukasan ay nasa kustodiya na ng barangay ang motorsiklo at siya inaresto.


Pinasinungalingan naman ng pamilya ng biktima ang akusasyon ng suspek na si Mercado.Ayon kay Rosalinda Tolentino, ina ng biktima, dapat lamang pagdusahan ni Mercado ang malagim na pagpatay sa kanyang anak. Sinabi ni Tolentino na huli nilang nakitang buhay ang biktima noong Miyerkules, Pebrero 15, at inakala na ginabi lamang ito.Ngunit kinabukasan ay hindi pa rin nila nakita ito at ibakalang maagang pumasok sa Malolos City hall. 

Gayunpaman, iniulat nila sa pulisya ang pagkawala ng biktima, at ng puntahan ng pulisya ang bahay nito, tumambad sa kanila ang nakadapang bangkay na naliligo sa sariling dugo matapos na puwersahang buksan ang pinto.


 Para sa akin masakit ang nangyari ng dahil sa pagkikipagkita niya sa kaniyang katetxt ay natapos ang kaniyang buhay dahil sa hindi siya pumayag makipagtalik. Sabi nga ng iba wag ka makikipagkita lalo na sa hindi mo kilalang tao at lalong hindi mo alam kung ano ang pakay sa iyo. Para sa akin dapat na makulong ang suspek sa kadahilanang siya ay nakapatay dahil lamang hindi nakipagtalik sa kaniya. Kailangan ng hustisya sa nangyari kay Crisanto Tolentino.


Reference: http://mabuhayonline.blogspot.com/2012/02/kriminalidad-negosyante-mamamayan.html 


Ipinasa ni: Arriane  De Leon
                    BALM- 1B 

HS Student Napatay Sa Saksak ng Kapwa Estudyante



       Noong Pebrero ng nakaraang taon naganap ang insidente sa loob mismo ng isang paaralan sa Malolos,Bulacan na bumulabog sa mahigit 10,000 estudyante.Napatay sa saksak ang isang 3rd year HS student na kinilalang si Jericho Fuellas.Ang biktima at mga kaklase umano nito ay nasa loob ng silid-aralan at hinihintay ang kanilang guro ng sumugod ang suspek at mga kasama nito.hindi naman matukoy kung anong patalim ang pinansaksak sa biktima.Samantala, isinuko naman ng kanyang pamilya ang 16-anyos na suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).


          Sa kasalukuyan, laganap ang mga hidden gangs sa mga paaralan.Ayon nga sa mga balita ang suspek ay miyembro ng TBS Gang at ang biktima ay sa Mafia Creeps.Hindi man napatunayan na gang war nga ang dahilan ng karahasan ay lubha itong nakakaalarma.Dahil nga menor de edad pa ang suspek ay hindi ito mabigyan ng mabigat na parusa.Sana ay magsilbing aral ito sa mga kabataan, nakakalungkot na may nasisirang mga buhay at pangarap sa isang iglap.Sana nga ay nabibigyan ng sapat at tamang hustisya ang mga biktima ng mga menor de edad na suspek.




Ipinasa ni: Kerie Anne Dayao
                     BALM - 1B

Linggo, Oktubre 20, 2013

Katarungan para kay Angel Garcia

Naaalalang noong Pebrero 17 ng gabi ay natagpuang patay sa likod ng isang abandonadong bahay sa Meadows Subdivision, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan noong Sabado ng umaga, Pebrero 18 si Nathania Ashley Garcia o mas kilala sa tawag na “Angel” ng kanyang mga kamag-anak at kapit-bahay dahil sa napakabait nitong bata. Kung kaya’t ikinagulat ng lahat ng iniulat na ito ay nawawala at natagpuan ngang patay sa likod ng isang abandonadong bahay.


Huling nakitang buhay ang bata noong bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes habang nakikipaglaro sa isang kapitbahay.  Ngunit gabi na nga ay hindi pa rin umuuwi ang bata at ipinasya na ng mga kaanak na ipa-blotter na ang batang nawawala.


Nang makita si Angel sa abandonadong bahay ay nakitang binusalan ang kanyang bibig ng tissue upang hindi ito makagawa ng ingay o makasigaw man lang upang makahingi ng tulong. Sinasabing ginahasa rin ang bata bago patayin.  Dalawang kapitbahay ng biktima ang dinakip at kinasuhan sa nasabing pagpatay.


Ngunit sapat ba itong kasuhan lamang upang pagbayaran ang karumal dumal na krimen na kanilang ginawa sa nasabing biktima? Hahayaan na lamang bang mabalewala at makalimutan na ang kasong ito ng anim na taong gulang na batang si Angel? Hindi nga ba’t isang taon na ang nakakaraan ng mapatay ang batang ito tanging ang mga kaanak at kapit-bahay na lang ba ni Angel ang makakaalala sa batang ito? Hindi ba siya mabibigyan ng hustisyang nararapat lamang niyang makamit?


Katurungan para sa batang si Angel Garcia, isang batang noon ay nagdudulot ng kaaliwan sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan Resident’s stories.

Ipinasa ni : Sherissa Bernabe

BALM – 1B

Abogado patay sa sariling opisina

    Pinasok at pinagbabaril hanggang mapatay ng dalawang di kilalang suspek si Abogado Cornelio Cruz sa kanyang tanggapan sa Sapang Palay, Lungsod ng San Jose Del Monte bandang alas-11:30 ng tanghali noong Pebrero 15.

Kaawa-awa ang sinapit ng 57-anyos na si Atty. Cornelio Cruz matapos paputukan ng sunod-sunod na pagbaril sa loob ng kanyang opisina ng mga gi kilalang lalaki dito sa Barangay Sta. Cruz I, San Jose del Monte City, Bulacan. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng CAL.45 pistol ang kumitil sa buhay ng abogado. At ayon sa pagiimbestiga, dalwang di kilalang lalaki ang nangpangagap na kliyente ,kaya pinapasok naman ng ilang kawani sa loob ng opisina ng bitikma, pagpasok sa loob ay walang atubiling pinagbabaril ang biktima at agarang nagsitakas habang ngakakagulo ang mga kawani sa opisina.


                Patuloy ang pamamayagpag ng mga criminal sa lalawigan na parang normal lang, napakabilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ay may mga namamatay. Siguro dala ng kahirapan,kriminalidad at kaharasan tuloy ang lumalaganap dito  sa lalawigan ng Bulacan. At sa mga sakunang ito marami ng mga mamamayan at mga negosyanteng naninirahan ay nangatatakot na rin nab aka sila ang isunod.


Reference: mabuhayonline.blogspot.com/2012/02/kriminalidad-negosyante-mamamayan.html
                    http://www.philstar.com/probinsiya/777961/abogado-itinumba-sa-opisina

Ipinasa ni: Abraham Viray
                  BALM -1B


Istorya ng mga Desaparecidos

Ang mga Desaparecidos o mga taong sapilitan ng dinukot ay isang misteryong hanggang ngayon ay wala pa ring sinuman ang nakasasagot. Nagsimula ang pagkawala ng mga mamamahayag,aktibista, at mga sibilyang taliwas sa uri ng pamamalakad ng gobyerno noong panahon ni Marcos. Sinasabing biktima ang mga Desaparecidos ng anti-insurgery plans ng gobyerno o ang pagsupil sa mga militanteng grupo na kalaban ng estado. Sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño ay ang mga halimbawa ng Desaparecidos.




Si Sherlyn Cadapan, 29 taong gulang. Tubong Laguna, lubos na ipinagmamalaki ng kanyang magulang, dahil nagawa niyang itawid ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Pati ang pag-aaral ng kanyang kapatid ay siya na rin ang sumasagot. Isa siyang estudyanteng aktibista at community Organizer ng Alyansa ng Magbubukid ng Bulacan (AMB). Nahalal din siya bilang kinatawan ng College of Human Kinetics Local Student Council.
                                                





Si Karen Empeño, isang Senior Sociology student sa UP. Tubong Zambales. Kagaya ng kanyang ama at kapatid, aktibo rin siya sa pagsali sa mga kilos-protesta sa kanilang unibersidad na tinutukoy ang maling pamamalakad ng gobyerno.Kasama si Sherlyn, gumagawa si Karen ng kanyang research paper tungkol sa mga problema ng magsasaka ng Bulacan upang makumpleto ang kanyang thesis na namarkahang incomplete.




Madaling araw ng Hunyo 26,2006 hindi na muling nasilayang ng kanilang pamilya sina Sherlyn at Karen. Sapilitan raw na dinakip ang mga ito kasama ang magsasaka na si Manuel Merino at 3 iba pa sa iniuupahang bahay nito sa San Miguel,Hagonoy Bulacan.  May nagsasabing sinakay raw ang mga ito sa jeep na may plakang RTF 597.



 Sinasabing dinukot sila ng mga militar at hinihinalang tauhan ito ni Ret. Maj. Gen. JovitoPalaparan. Hindi na rin nakita ang heneral ng maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya noong 2011. Kakasuhan rin ng habeas corpus o pagkakakulong ng panghabang buhay si Palparan.



Samantalang bago pa man maglabas ng warrant of arrest ay naglabas na ng testimonya si Raymond Manalo, isa sa mga dinakip na aktibista at nakatakas din. Sinabi niyang siya at ang kanyang kapatid ay tinorture at pati na rin sila Sherlyn at Karen. Sinabi rin niyang nakita niya kung ano ang ginawang kalupitan kay Sherlyn samantalang puro sigaw at hinagpis ang naririnig niya kay Karen. Nakita rin niyang sinunog umano si Manuel Merino ng mga military.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang dalawa,kahit anino ng mga ito o bangkay ay wala pa ring makapagsasabi kung nasaan ang mga ito.

IPINASA NI:
Mikaela Marie E. Escasinas
BALM-1B


   Pacesetter-Official Student Publication of Bulacan State University